sunset

Sagad

Kung lumakbay ang araw, sa huli’y namula,
Kinabukasa’y lumimlim, umula’t bumaha
Dadaluya’y iaagos, lulunurin ng kusa
Pagtuyo’t uusbong, bagong halaman at bunga.
Pag bunga’t kayamanan, sadyang abusuhin,
Matatapon, ililipad ng hangin.
Akyatin, manatili, huwag abutin ang tuktok
Sanga’y maliliit, magalaw at marupok.
Sandaling di papigil at sadyang mahulog,
Mga sanga nito’y, kusa nang titiklop.

Leave a comment