Binubuo ang ating katawan ng sampung Organ Systems na may kanya-kanyang tungkulin (function) para mabuhay tayo sa araw-araw.
Aking idinaan sa isang tigsik (a bikolano kind of poetry) na nakasulat sa wikang Filipino ang bawat isa sa mga ito.
- Photo courtesy of http://www.thetahealth.com
1. Entegumentary System (Skin)
Tigsik ko ang aking kutis
Ito’y malambot at makinis
Sa tuwing naglalaro ako’y nagpapawis
Kalinisan nito’y aking laging nais
2. Reproductive System
Tigsik ko ang aking sarili
Kasarian ko’y isang lalake
Mitihiin ko sa aking paglaki
Magka-anak ng malusog at maliksi
3. Digestive System
Tigsik ko ang mga pagkain
Na puno ng bitamina’t protein
Lahat ng ito’y aking uubusin
Pagkat ang tyan ko, ito’y tutunawin
4. Nervous System
Tigsik ko ang utak kong may talino
Na syang namumuno sa katawan ko
Upang ako’y makalasa, makaramdam at makaamoy ng mabango
Pati na rin ang Makita ka, at marinig ang boses mo.
5. Skeletal System
Tigsik ko ang dalawang-daan at anim kong mga buto
Simula sa paa hanggang saking ulo.
Ito’y nagbibigay hugis saking pagiging tao,
Kailangan ko ang mga ito upang makagalaw at makatayo.
6. Muscular System
Tigsik ko ang aking kalamnan,
Pinagkukunan ko ito ng aking kalakasan.
Anumang bigat wala akong uurungan
Kahit anong hamon, maging bunong braso man.
7. Circulatory System
Tigsik ko ang aking pusong umiibig ng tapat
Na puno ng pagmamahal, sobra pa sa sapat.
Kasindami ng dugong dumadaloy saking mga ugat
Pag-ibig koy aagos, Pag-ibig ko’y kakalat.
8. Urinary System
Tigsik ko mga dumi sa katawan
Na nakuha ko sa pagkain at inumin man
Ito’y mailalabas saking pag-ihi at kung ako’y pawisan
Wag lang masosobrahan, sakit ang makakamtan.
9. Respiratory System
Tigsik ko ang aking paghinga
Ito’y palatandaan na ako’y buhay pa.
Ang hanging pumapasok saking baga
Kelangang sa lason ito’y malaya.
10. Endocrine System
Tigsik ko ang sari-saring kong reaksyon,
Pagbabago sa katawan sa pagdaan ng panahon,
At iba pang mga pangyayari katawan at emosyon,
Lahat ng ito’y sanhi ng aking mga hormons.