Tag Archives: teenage mother

Munting Tinig

Kung kapalaran man ay sinampal ka
at sinasaktan ng mga panghuhusga.
Damhin aking mga galaw sa tiyan mo ina,
mga galaw ng pagkasabik na tuluyang mayakap ka.

batang ina

Kung sa maaanghang na salita, bingi ka na oh ina ko,
simula sa unang buwan hanggat akoy’y isilang mo.
Dinggin unang pag-iyak bilang pasasalamat sayo,
na ako’y binigyan ng pagkakataon, mabuhay sa mundo.

Kung sa mga daing mo ay walang umiintindi,
at ang mga tingin nila’y, nagsasabing ika’y malandi.
Pagmasdan mo lang mga ngiti sa’king mga labi
nawa ito’y magdala ng tuwa at ligayang minimithi.

batang-ina-2

Kung sakali mang iwanan ka ng aking ama,
at bansagan kang isang dalagang ina.
Pagmamahal mo’y sapat at walang hihigit pa
Saan man mapunta, ipagmamalaki kita.